/Pero sa pag-type ko ng mga no comment na `yan, pabulong/pasimple kong hiniling na sana totoo pa.../Paalam Na Sinta
Lyrics by: Karlo Castillo
Di ko na kayang tiisin
Kaya nga hindi ka na babalik, `di ba?
Lahat ng sakit na nadulot mo
Alam ko na'ng lahat ng mga sakit na naidulot ko kahit hindi mo sinabi. Siyempre, may utak naman ako para mag-isip. Na-realize ko na na ako'ng marami ang mali.
Siguro nga ay wala na akong magagawa
Ehem. No comment #1.
Paalam na sinta
Yeah... Paalam na rin siguro...
Marahil ay matutunan na magmahal ng iba
Oo, kaya mo `yan... `Wag mo nga lang bilisan ha...
Kahit na hanggang ngayon
Ano?
Mahal pa rin kita
No comment #2.
Masakit tanggapin
Sorry...
Ang lahat ng ito
Sorry talaga...
Lahat ay nagawa ko na
Oo, alam ko... Hindi na ako tanga...
Ngunit ang lahat ay di sapat para sa`yo
Dati `yun. Eh ngayon, pinakakaunting gesture mo para sa `kin tuwang-tuwa na ako. Parang ikaw dati? Sana naaalala mo pa `yun.
Paalam na sinta
Paalam na nga siguro...
Marahil ay matutunan na magmahal ng iba
I'm wishing for you the girl who'll not hurt you... HONEST!
Kahit na hanggang ngayon
Mahal pa rin kita
No comment #3
Paalam na sinta
Ngunit hanggang ngayon ay ikaw pa rin
No comment #4
Pipilitin na lang lumayo
Di na nga kita makita, saan ka na pumunta?
Para maiwan ang sakit
Nandito, kinuha ko `yung sakit na nadulot ko. Nag-backfire din sa `kin.
Paalam na sinta
Marahil ay matutunan na magmahal ng iba
Kasama `yan sa prayers ko siyempre. Pero, kasama ba `yung IBANG AKO sa category?
Kahit na hanggang ngayon
Mahal pa rin kita
No comment #5
Paalam na sinta
Alalahanin mo na lang
Na ano?
Na lagi kitang mamahalin
No comment #6
Nakuha ko ang lyrics ng kantang ito sa blackboard noong January 16, 2006. Eto picture oh:

Click for larger view.
Sinulat niya eh. Natatandaan ko pa, kasama ko si Rachel ng araw na yaon. Noong nakita ko ito, ewan, hindi ko alam kung alam niya, hindi ko alam kung natatandaan ni Rachel o alam ni Rachel na naluha ako ng makita ko `to. Hindi ko alam. Alam ko na naman noon pa na mahal ko na siya, hindi ko lang maamin at inamin. Siguro, nagreact na naman puso ko. Kasi naman!!! Pinaghintay ko pa kasi eh. :( Ngayon wala na... Wala na... Sana man lang, kung kanta niya `yan ngayon, sana totoo `di ba?
Nagsimba kami kanina. May nakita akong bata. That boy has the plump lips same as his. Sarap kurutin (o halikan?) nung bata at sabihin, "Alam mo, pareho kayong cute nung mahal ko." Mga 2 years old pa lang siguro `yung bata. As if namang maiintindihan na niya ako `di ba? Kaya lang, karga siya nung nanay niya eh. /NOTE: Imagine-in niyo, habang tinatype ko `yung karga, karlo `yung na-type ko. HALA, BALIW NA NGA YATA AKO./
Kanina sa SM, text lang ako ng text habang naglalakad. Haha. Buti hindi ako nahablutan. Ganyan na talaga `pag unli at my problema.
Issa! OMG! OMG! What is his plan? Dininig ng Diyos ang panalangin mo... Dati-rati sinasabi mo na "MY LOVE ISN'T RIGHT. IT IS JUST SO WRONG TO FEEL THIS WAY..." Eh ano na kaya ngayon? I'm so happy for you, hija. Salamat sa pag-aalala. My schedule ka ng pag-aalala sa `kin eh. UMAGA: [Insert my name here], okay ka na? TANGHALI: O, ano na'ng nangyari? GABI: Siyempre, papatawanin kita.
Nneka! Sorry sa aking pang-aabala ko! 12 hours straight kitang ka-text kahapon hanggang sa hinika ka na. Tapos kanina ka-text pa rin kita. Salamat sa sermon mo ha! Nakatulong... Ewan ko ba kung matatawa, panghihinaan ng loob o lalakas ang loob at manghihinayang sa mga sinabi mo eh. WELL. LESSONS ARE LESSONS. Pinaalala mo na `yung "PRIDE" is one of the 7 capital sins. Mabuti na rin lang at Globe ka na rin! Basta! Sure na ako `pag ako mamatay, kakausapin ko ng masinsinan si Papa God at sasabihin na... ALAM MO NA `YUN! `Wag mo na akong murahin ulit, ha!? Kung ayaw mo talaga, at ako na lang talaga... ang mahihiling mo na lang ay huwag akong mamatay at `yung isa pang mas importanteng hilingin. GETS MO SANA AKO `DI BA?
Jeffrey and GEELA! THAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANKS sa inyo! Thanks sa pagtitiyaga niyong kausapin ako `pag umaga, tanghali at gabi, sa pag-alo niyo sa akin (dati). Sigurado, pagpapalain kayo! Sana magtagal pa kayong dalawa ng matagal na matagal na matagal at hindi ko hahayaan na maghiwalay kayo no! `Wag niyo na pagselosin ang isa't isa ha?
Geela! Thanks dahil hindi ka nagseselos kahit katiting. Naman... Ano namang mapapala ko kay Jepoy? May mahal na `yun at ikaw `yon! Kailangan ko lang ng kasama noong time na `yun at may mga napag-uusapan kaming maraming bagay tulad ng:
JEFFREY: Ano ba naman `yan, (pangalan ko)!? Hindi ako sang-ayon sa kanya ha...Jeffrey! HAHAHA. Kala ko, wala kang maitutulong sa `kin. Pero grabe, salamat sa pagsama sa akin sa panglalait sa isang tao diyan. Hehe.
AKO: Biro lang naman eh... What I meant was, maswerte `yung mamahalin ng lalaking `yon. Masipag, may pangarap, matalino... Alam mo `yun. Saludo ako!
Deevon! Hehe... Such a quiet child but so strong inside... `Wag ka na umangal! Ako naman sinasabihan mo na "MALAKAS AKO." Hindi ko alam na ganun na pala ang nangyayari sa buhay mo. Your secret will be so safe with me. It is just so ironic na para tumigil ako kakaiyak ay kailangan mo pang sabihin sa `kin mga problema mo. Well, I know you'll still not find the one you'll marry unless you're so rich na. Magtayo tayo ng business ha? O kaya `pag nauna akong mamatay sa `yo at wala ka pang asawa, `di bale, ako maghahanap para sa `yo. Unique ka... Matchmaker niyo ng magiging future wife mo is patay na. :))
Rachel! Anak! Malapit ka ng mag-birthday! Thanks for still being strong kahit nag-file ako ng "DIVORCE" sa Daddy mo. HAHAHA! Feel na feel ko na naman! Pareho kayo ni Deevon, hay, ang sama ko. Bakit kailangan ko pang marinig ang problema niyo para matigil lang ako? Salamat dahil sinamahan mo ako sa "PLACE" na `yun. Kasama ka sa unti-unting pagpapalit ko ng mga memories ko doon noong ELEMENTARY dahil I don't find those useful na. Be proud! Kasama ka sa NEW and REVISED EDITION ng memories ko dun sa isip ko. Hehe.
Kagabi pala, wala lang... Kabado lang ako... Pero... Hay ewan. AYAW KO PA RING UMAMIN!!! HAHAHA! Hanggang ngayon ma-pride pa rin! Asar talaga ako... Nneka! Paki-batukan nga ako! Kaka-sermon mo pa lang sa `kin kahapon tungkol sa pride ko eh!!!
Nag-aalala ako kung nasaan ka na kagabi... Inaalo na lang ako ni Jepoy... Paiyak na ako at pinapatawa niya dahil sabi siya ng sabi ng "AY! SHOCKING!" habang may sinasabi ako. Kala ko `di ako makatutulog eh, buti na lang, pinatulog na ako ni God. Buti na lang at nag-miss call ka pa, `di ba? Kaya lang tulog na ko nun...
HAPPY BIRTHDAY KEVIN! Wuhooooooo!
----------------------------------------------------------------------
Kaya ikaw, wala ka ng kawala... Now OUR nights would end with just one wish, that's you...
/HEYDIT/
Raaaaaaaaar! Napaka-ironic na ng buhay ko. Kintain niyo, pati `yung filename ng picture sa itaas sa Tinypic.Com ay nagsisimula sa 314. Ano ba `yan? Pati Tinypic nananadya!
NOTE NG MAKULIT KONG ISIP: Eh kasi naman, ba't napansin mo pa???
\HEYDIT\
No comments:
Post a Comment