Boy: Hindi mo pa ako binibigyan ng ganung card, `yung malaki... `Yung Avant Garde Jumbo Card
Girl: Next month na, para eighth month natin. 8 as in 8. Infinity...
Boy: Oo nga, noh? Love you!
Girl: Love you!
Ngayon, kailangan pa bang magbigay gayong wala na? Ano pang saysay ang itago, kung gayong bunyag na naman. Oo, mahal ko siya. Mahal ko si Karlo. Eh ano bang pakialam niyo? Nila? Masama bang magmahal sa ganitong edad? Mapipigilan ba? May pinipili ba ang pag-ibig? Wala. Hindi ko maintindihan, hindi ko maintindihan...
Napakasakit isipin, sa araw ng ika-walo ng Nobyembre, napagpasyanan kong iwan ang aking mahal at balikan ang dating ako. Ngunit ngayong nagawa ko na ang dating napagpasyahang gawin, masakit. Masakit pala. Hindi ko man lang naisip kung ano ang mangyayari sa buhay kong ito bago ako nagdesisyon. Nobyembre 8. Leche. Ironic!
Oo, miserable ako ngayon. Ngunit kailangan mabuhay, marahil ay sa pag-asa na ika'y babalik, pero mas malakas ang hatak ng pagmamahal ko sa aking sarili. Hindi pwedeng iisipin ko na lang ang nangyari sa lahat ng oras.
Sa paaralan, dalawang araw at kalhati akong hindi tumigil umiyak. Mabuti na lamang at may dala akong pamunas sa aking mga luha. Kanina, habang umiiyak may hawak akong mapa. May map drill kami ng Asya. Hindi ko naiwasang pumatak ang aking mga luha doon. Ang nasabi ko na lang, "Mabuti pa ang mga luha ko, nakarating na sa Pakistan, China, Taiwan atbp."
Ang sakit na nararamdaman, hindi lang pala `yun sulat sa pisara gamit ang chalk na madaling burahin. Para kang nagtapon ng tinta sa damit na puti. Kahit Clorox o muriatic acid ang gamitin, mahirap pa rin. Kung maalis man, hindi pa rin mawawala ang mga mantsa sa ibang parte ng damit. Ano nga bang naaasahan natin sa mga bleaching aids?
Hindi ko pinagsisihan ang desisyon ko na lumayo dahil marami akong natutunan. Nalaman ko na nasaktan kita ng labis noon. Alam ko na ngayon. Alam ko naman dati ngunit, takot lamang akong aminin. Takot akong umamin sa aking sarili na nasaktan kita.
Marami akong nasabing masasakit na salita. Alam kong hindi na pwedeng bawiin. Ako na rin mismo ang nagsabi na kapag nasabi na ay wala ng bawian. Ngunit gusto kong pabulaanan... Gusto kong sabihin ang totoo, dahil ang mga nasabi ko noon ay sanhi lamang ng sakit na aking naramdaman. O pagkadismaya sa mga inakala kong iyong magagawa.
- "Mamatay ka na... Pasagasa ka na, etc." Mali ang sabihin ang mga katagang ito. Hindi ko lang siguro matanggap noong araw na iyon ang mga sinabi mo. Nagulat ako.
- "Hindi ako naging masaya... Wala ka ng ginawa kundi ang pahirapan ako..." Alam ng Diyos kung gaano ko napagalitan ang sarili ko nang masabi ko ito. Naging masaya ako. Totoo `yan. Kahit gaano ko pa kinamumuhian ang iba mong ugali, minamahal kita. Mahal ko ang pangit na ugali mo, dahil ikaw `yon at wala na akong mahihiling pang iba maliban sa`yo.
- "Gastos ako ng gastos para sa`yo tapos ikaw..." Wala talagang kaso sakin ang pera. Ang pera kayang kitain, ang mahal mo hindi kayang tiisin. :)
- "Gusto ko ng bumalik sa dati kong buhay..." Mali na naman ako dito. The only life I know today is the life I lived with you. Waaaaaaaaaah. Nagkamali ako. Oo, nakakausap ko na ang mga dati kong kaibigan na aking tinalikuran para sa`yo ngunit ano ang saysay kung walang sayang nararamdaman? Ni hindi ko nga magawa ang dati kong ginagawa... Ang alam ko na lang ay ang subukang pasiyahin ka sa abot ng aking makakaya.
Nakakalungkot dahil may sama ka ng loob sa akin. Patawad. Nasabi ko na sa iyo ang aking mga naramdaman noong araw na yaon kaya ako nakasabi ng masasamang salita. Ako may galit ako sa`yo noon ngunit ang lahat ng galit ay kasamang nawala noong ika'y aking pinalayo. Kung ika'y magbabalik, asahan mo ring hindi na babalik ang aking galit sa`yo.
Pilit kong ipinipilit na ikaw ang may mas maraming pagkakamali ngunit ngayon ay alam ko na na ako. Mas marami akong pagkakamali. Alam ko kung paano mo ako sinubukang pasiyahin, alagaan at kung anu-ano pang hindi naging sapat para sa akin. Hindi na ako nakuntento... Tama lang ang ginawa mong pumayag sa desisyon ko.
Ako'y maghihintay pa rin sa muli mong pagbalik. Nais kong malaman mo na masayang-masaya ako dahil nakabalik ka na sa dati mong kaibigan. Ang mahal mong kaibigan... Salamat sa apat na buwang ibinigay mo sa akin para maghintay. Ngunit kahit matapos ang apat na buwang iyon at wala kang desisyon, maghihintay pa rin ako sa iyo, magiging masakit man o hindi. Maghihintay ako hanggang sa ako'y mapagod o magmahal ng iba na sana'y hindi madaling mangyari.
I guess someday I'll find someone YOU. -> `Yan ang nasabi ko sa isa sa mga sulat ko sa kanya. Leche! Ironic talaga. Dapat "I guess someday I'll find someone new." kung makahanap man siya ng bago. Pero sa ngayon, mas maganda `yung una kong nasulat. Gusto ko pa ring maghintay kahit minsan ayaw ko na...
Ayan, naririnig kong kinakanta nila. Kaya naka-repeat one na `yan eh. Pati `yung "Nakapagtataka."Director’s Cut - Kamikazee
Pagmulat ng mata, agad kong naalala
Pareho lang tayo, ako kasi `yung gago...
Kagabi sinabi mo ayaw mo na
Ay, actually, two days and five hours na...
May mali ka bang nakita?
Wala... Gaga lang talaga ako... Tanga... Whatever you call me...
May mali bang nagawa?
Iniwasan mo ko nung araw na `yun, bago ako nagdesisyon...
Bigla na lang naisip mo ayaw mo na
Talagang bigla... Pati ako nabigla... Kaya ko palang gawin, hindi ko naman kayang panindigan
Lahat ng gusto mo tamang sunod ako
Alam ko, kinontrol kita `di ba? Mali ako, alam ko...
Nagtataka bakit biglang ayaw mo na
Pati ako nagtaka, hindi mo ba alam? Eh masaya naman ako... Hindi lang siguro ako nakuntento
Binigla mo ng lubusan nang ako'y iyong iwanan
Alam ko! Nakita ko sa iyong mga mata? Kaya nga wala ka ng ginawa noon kundi tanungin ako ng "Bakit?" at tinanggap lahat ng mga bagay na ibinintang ko sayong ginawa mo.
Isang iglap naisip mo ayaw mo na
Lumingon sandali lang bago mo tuluyang iwan
Hindi... Hindi na... Hindi kita iiwan... "Tatlong tap sa noo, yakap sa likod at halik ng hangin..."
Nais kong...
Sumigaw palabas at sabihin sa iyo ang lahat
Ano? Gusto kitang tanungin habang kinakanta mo `to... Actually, tinatanong talaga kita, sa isip ko nga lang...
Tumakbo palayo at iiwanan ang alala mo
At iiwanan ang alaala ko? Kung `yan ang makapagpapasaya sa`yo go... Ako pa tutulak sa`yo palayong muli... Pero, susunod ako. Hindi nga kita iiwan `di ba? Hindi na nga kita iiwan, `di ba?
Nanginginig, nalulungkot, nahihibang at tulala
Ako yata `to eh... Sa bahay... Sa school... Pero siguro ganito ka rin, `di mo lang pinapakita...
Pagod na yata ang ngiti, nauubos din ang tuwa
Ubos na nga... Napalitan ng unos... Pilit mang ngumiti ay nagagawa naman ngunit hindi naman kasing bukal sa loob tulad ng dati.
Nag-iisa, umiiyak, nahihirapang huminga
Hindi ka naman nag-iisa ah... Sabi mo nga, "You've got yours..."
Pagod na yata ang ngiti, nauubos din ang tuwa
Ako ang may kasalanan
Nanginginig, nalulungkot
Mas epileptic na ako...
Lumingon sandali lang bago mo tuluyang iwan
Nais kong...
Sumigaw palabas at sabihin sa iyo ang lahat
Ano? Ayaw mo na rin? NO...
Tumakbo palayo at iiwanan ang alala mo
Go... But I'll follow, hindi mo nga lang alam...
At kung hindi na babalik
Ano? Sino? Ako? Pilit akong nagbabalik
Sana sa pagising ay wala na ang nadaramang sakit
Pwedeng mawala siguro kung kakalimutan mo na ako
At kung hindi na babalik
Ipipilit sa sarili na hindi ako ang nagkamali
Alam ko, ako ang nagkamali... Pero meron ka rin...
Sumigaw palabas at sabihin sa iyo ang lahat
Tumakbo palayo at iiwanan ang alala mo
Sumigaw palabas at iiwanan ang alala mo
Hala, pareho na ang mga linya... Wala ka ng sasabihin? Sabi ko nga eh
Tumakbo palayo at iiwanan ang alala mo
Mahirap... Mahirap... Kakayanin kong maghintay...Nakapagtataka - Sponge Cola
Walang tigil ang gulo sa aking pag-iisip
Hindi na nawala... Tuliro... Iyak ng iyak
Mula nang tayo'y nagpasyang maghiwalay
Actually, ako lang ang nagpasya `di ba? Ikaw, sumang-ayon sa gusto ko... Ngayon, na-realize mo na tama ang ginawa mo
Nagpaalam pagkat 'di tayo bagay
Hay. Clash na lang ng clash... Away palagi... Samaan ng loob
Nakapagtataka
Hindi na siguro nakapagtataka...
Kung bakit ganito ang aking kapalaran
Eh, ako rin naman may kasalanan eh...
'Di ba ilang ulit ka nang nagpaalam
Pertaining to me, ako ang laging nagpapaalam...
Bawat paalam ay puno ng iyakan
Tama...
Nakapagtataka
Malamang
Hindi ka ba napapagod o 'di kaya'y nagsasawa
Napagod akong magtiis, kaya tingnan mo ngayon...
Sa ating mga tampuhan
Hay...
Walang hanggang katapusan
Bakit nga ba?
Napahid nang mga luha damdamin at puso'y tigang
Napapahid ngunit pagkatapos pahirin, may lalabas muli...
Wala nang maibubuga
Wala ng magawa...
Wala na 'kong maramdaman
Meron... Sakit
Walang tigil ang ulan at nasaan ka araw?
Nasaan nga ba ang araw ko? Ikaw `di ba? Nasaan ka?
Napano nang pag-ibig sa isa't isa
Ano nga bang nangyari? Ako nga lang yata ang may alam, o pati sa sarili ko, hindi ko alam?
Wala na bang nananatiling pag-asa
Meron pa ba???
Nakapagtataka
Talaga!
(saan na napunta)
Saan nga ba?
Hindi ka ba napapagod o 'di kaya'y nagasasawa
Sa ating nmga tampuhan
Walang hanggang katapusan
Napahid nang mga luha
Damadamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na kong maramdaman
Napahid nang mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na 'kong maramdaman
Kung tunay tayong ngamamahalan
Alam kong tunay... O ako lang ang nag-iisip nito?
Ba't di tayo magkasunduan
Bakit nga ba? Ikaw lang talaga yata ang hindi ko iniintindi...