Napapansin ko na naman na nahihiligan ko ang "hindi ba." Walang titulong maisip eh.
Kanina, niyaya ko si Rachel na pumunta sa isang lugar kung saan pwede kang umiyak ng walang pumupuna at pumapansin. Madumi, makalat, mataas at mahirap puntahan ngunit hindi ang mga ito ang dahilan para malinawan ang utak kong napakagulo.
Siyempre, bago siya magsalita, ako muna `yung pinauna niya. Mahirap na, baka mag-break down na raw ako ng tuluyan kapag hindi na ako naglabas. Pagkatapos kong magsalita, doon na ako sinimulang bugbugin ni Rachel. Diyos ko! Napaka-rehiliyosang bata, nambubugbog?
Binugbog sa "Words of God." Nagsabi siya tungkol sa maraming bagay. Dito ko muling naalala ang passage na, John 3:16, (Sana 3:14 na lang `di ba? Asa...)
John 3:16, For God so loved the world that he gave his only Son, so that everyone who believes in him might not perish but might have eternal life.
Alam ko naniniwala ako sa Kanya, ngunit dati'y hindi pa lubusan. Ngayong tinanggap ko siya sa aking buhay, napakagaan ng aking pakiramdam pagkatapos. Pinawi niyang lahat ang mga sakit na aking nararamdaman.
Wow. Sabi ko kay Rachel, "Dapat kahapon o kaya nung eight mo ko kinausap. Ikaw pa naman una kong nahila! (Sila ni Ate Vic ang mga una kong napagsabihan tungkol sa nangyari.)" Sabi niya, "Tinetiyempuhan lang kita, eh."
Of course, marami pa kaming napag-usapan. Ang mga naging problema niya at siyempre ang mga problema ko na sentralisado lamang sa iisang bagay.
Makakalimutan ko naman ba si Deevon, panandaliang tumimo ang aking damdamin ng siya'y aking kausapin. Hay... May mga magmamahal pa pala sa `kin. :)
Nagbabago na ako, alam ko. Physically, emotionally, mentally at spiritually. Physically, pakiramdam ko pumapayat na ko! Emotionally, hindi na ako makaiyak dahil wala na akong maiyak! Mentally, no comment! Spiritually, obvious ba?
Marami akong nagawa sa buhay ko, hindi lamang `yung mga tungkol sa `yo ngunit `yun ding sa iba. Pinagsisihan ko na ang lahat ng iyon. Hahaha! Sobra... Nababaliw na nga ako sa sobrang paghingi ng tawad sa utak ko. Gaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaan ng pakiramdam!
Nakausap ko pala si Ninotchka kanina. Text text. ANG LAKAS NG GLOBE! Hindi ko lubos maisip na nakakapagtext ako habang nagbabantay ng tindahan namin. Leche. Ang gulo ni Nneka! Nakakamiss! Uy Karlo, tinext ka raw niya.
Nga pala, Papa God, my forever boyfriend NiƱo, I'll see you two soon. Pero `wag muna... Marami pa akong gustong gawin at patunayan. :)
"Tatlong tap sa noo, yakap sa likod at halik ng hangin..."
No comments:
Post a Comment