Monday, November 13, 2006

Masaya Na Ba Akong Muli?

Siguro... Medyo... Pero nandoon pa rin ang "emptyness", kawalan... Minsanan lang naman kasi mangyari ang ganito sa `kin so napakahirap umalis. Lalo na't gusto ko pang manatili.

Wala lang, kagabi kausap ko na naman siya. Nag-usap kami ng medyo matino na hindi. Basta. Masaya na ako sa ganoon. Eh nung isang araw naman kasi, tulog siya. Saka noong isang araw naman, parang nag-aaway kami na hindi. At least kagabi may na-confirm na kami sa isa't isa. Achievement na talaga ito!

Nakausap din pala ako ni Miss Adah tungkol sa KANYA, pa rin. Kanino pa nga ba? Kasi simulan ko ba naman ng:
AKO: Look Mommy, I don't look so miserable now. (Mommy kasi adviser ko siya noong first year.)
MISS ADAH: Mabuti. Ilang araw ka bang umiyak?
DEEVON: 3! (Hala. Hahaha. Nauna pang sagutin ni Deevon kesa sa `kin.)
AKO: Ayos ha... Mas alam mo pa kaysa sa `kin.
DEEVON: (Tawa na lang...)
MISS ADAH: Kailan ba kayo nag-off?
AKO: Nung eight po...
MISS ADAH: Lalaki lang `yan...
AKO: Po? (Promise! Hindi ko talaga narinig...)
MISS ADAH: Lalaki lang `yan...
AKO: Basta po, Daddy ko pa rin si Sir Bon. (Actually, Daddy-in-law-at-school... Haha! Adviser ni Karlo nung first year.)
`Tas nung natapos `yung film viewing namin ng First Knight, habang palabas ako ng HS Building, nakita ko ulit si Miss. Ayun, marami kaming napag-usapan. :) Nakaka-enlighten din. May pa-beautiful beautiful eyes pa ako para hindi tumulo ang luha. At least, natawa si Miss. Thanks po! Basta ang huli niyang sinabi ay, "See you around!" Hehe.

Kanina, late si Geela at Jeffrey kaya ako nag-akyat ng MGA bag nila sa 2nd floor. Grabe. Dami nun. Dapat pati `yung kay Karlo kaya lang, hina-heart burn ako kanina. Buong araw ako inatake nun. Buti tumitigil pero sobrang sakit `pag bumabalik. Bakit kaya? Literal na heartache na oo...

Salamat sa pag-tap mo sa ulo ko kanina. You didn't know how that simple gesture made me soooooo happy and happier and happiest. :)) Bakit nga pala ginawa mo `yun? Wala akong maisip na dahilan. Ni hindi mo nga ginagawa `yun dati. Pagpapaalam na ba `yun? Sana hindi...

Sabihin na nating medyo masaya na ako ngayon kaya lang, kaya ko bang magkunwari bukas na masaya ako sa nangyayari sa buhay ko? Dahil alam ko, walang dapat ikasiya sa buhay ko bukas maliban sa buhay pa rin ako, mahal pa rin ako ng Diyos at birthday ng anak ko, si Rachel. Pwede bang isama `yung, mahal niya pa pala ako?

No comments: