Saturday, November 18, 2006

Bakit?

Hahay! Magpapalit ako ng blog address. Bakit? Ayoko ng malaman niya kung ano na ang takbo ng utak ko. Eventually, baka pag nagtuluy-tuloy ang ugaling ganoon ni Karlo, my words will be used by him against me. `Yung adulterated na kwento (na siyang ginagawa niya ngayon). Saka, hindi na dapat axiv, (dahil dapat a-fourteen ang basa diyan.), ano kayang maganda? Tama. Renaissance. This is the renaissance period of my life. My transition for gradual change.

Noong November 16, nagdecide na ako para sa buhay ko. Sabi ko, "I'll start walking again even if without someone to ride with in a car... Maglalakad na lang talaga ako... Kung madaanan man ako ng sasakyan niya sa daan, lilingon na lang ako." BUTI NAMAN AT NAGKAROON NG SENSE ANG MAGULO KONG UTAK `DI BA?

Lalo pang nadagdagan ang kumpiyansa ko sa sarili noong may mga bagay akong nalaman kahapon. Masyadong maselan para i-kwento. Ang nasabi ko na lang, "Hindi na pala siya `yung Karlong nangako sa akin na mamahalin ako kung ano at sino ako..." Ngayon, isa na siya sa mga taong nanghuhusga sa akin. NGAYON KO LANG TALAGA NA-REALIZE AT SANA MA-REALIZE MO RIN NA HINDI MO PA PALA TALAGA AKO KILALA. OUR RELATIONSHIP WAS SO SHALLOW. Pilit nating pinalakas kahit alam nating mahina na sa simula pa lang. Sinabi ko kay Nneka ang mga nalaman ko. Hay. Parang bigla raw na nainis siya sa sarili niya kasi siya ang naging natatanging tulay noon para magkakilala kami ng EX ko. Wala na naman siyang kasalanan dun kasi nagtiwala rin naman siya eh. Pati ako...

Ngayon, kailangan pa bang manghinayang sa isang relasyong talagang wala palang kahihinatnan sa simula pa lang? Natauhan ako doon ah. Mabuti naging honest ka doon sa isa kong kaibigan na sinabihan mo ng mga bagay na iyon.

`Yung tinaga ko ng cutter, pagaling na. Parang bumilis nga `yung paggaling noong na-realize ko na talagang mali na para maghintay. Nabigyan ko na ng chance ang sarili kong magmahal, magbigay at magsakripisyo. Tama na `yun. Ayoko na ng hassle pa sa buhay.

Noong sinabi ko sa kanyang magmo-move on na ako, sabi niya "Bakit may bago ka ng boyfriend?" Aba! Kala niyo kung sino? EH SINO KAYA SA AMING DALAWA `YUNG NAGSABING I'M LEARNING TO LOVE SOMEONE NEW? Good luck din daw sa secret relationship namin ni Jeffrey. WHAT THE? WALA NAMANG KAMING RELASYON NI JEFFREY! He has a WILD IMAGINATION talaga!

Hindi siya makaka-learn na maglove ng bago kasi hindi siya marunong magmahal ng isang babae. Mahihirapan sa kanya `yung susunod sa `kin. AKO LANG NAMAN `YUNG BINIGYAN NG POWERS NI GOD PARA MAGPASENSYA SA KANYA EH!

Hindi ko pa rin naman sure kung nililigawan niya `yung babaeng `yun. (Nabanggit ko na siya sa past entries ko.) Basta ang alam ko, si Karlo `yung unang nagte-text. Parang pinagseselos niya ako while pursuing that girl. Hay. Niloloko lang nila mga sarili nila. `Yung girl may mahal na iba. At `yung mahal niya na `yun ay ang dating bestfriend ng magaling kong EX na ipinagpalit ako sa mga kaibigan niya. O `di ba? LOKOHAN. Tapos, si Karlo, no comment na lang. KAKAIBA RIN SIYA EH.

Napag-alaman ko rin sa iba ko pang mga kakilala na pinagti-trip-an lang nila si Karlo. Ako naman, naawa ng konti. Mahal na mahal sila ni Karlo tapos ganoon lang? ABA! HINDI NAMAN MAKATARUNGAN `YUN! PAMPALUBAG-LOOB NA LANG SANA SA`KIN `YUNG AALAGAAN NIYO SIYA KASI KAYO PINILI NIYA PERO ANO? KINUKUNSINTI NIYO `YUNG MGA BAWAL SA KANYA, like `yung mamamantikang pagkain. MGA LECHE KAYO! PAPATAYIN NIYO BA EX KO? (Oo, natusok ko siya ng ballpen ng maraming beses. Nahampas ko siya ng sapatos sa ulo. Pero humingi na ako ng sincere na pagpapatawad. Di tulad niyo!) TINUTURUAN NIYO PA NG BISYO! MGA WALANG HIYA! Ikaw Karlo! ISA KA PA! NAGPAPA-WALANG HIYA KA! KAPAG KAYO NAG-AWAY AWAY NA NAMAN, WALA KA NG TATAKBUHAN DAHIL KAHIT AKO, NAWALA NA ANG TIWALA KO SA `YO SA MGA NALAMAN KO NA SINABI MO.

/*NOTE: Noong nagdugo `yung mga sugat mo, Karlo... Sinusumbat mong `di ko man lang pinunasan? ABA! KAMAY KO NGA PINANGPUNAS KO DIYAN EH! EH AKO, NOONG UMIIYAK AKO DAHIL SA MGA MALING GINAWA MO, NI ISANG BESES BA PINUNASAN MO KAHIT NG KAMAY MO ANG MGA LUHANG LUMAGASLAS SA MUKHA KO? HINDEEEEE! MAY TIME BA NA PINUNASAN MO ANG PAWIS KO? NAG-AALALA DAHIL HINDI AKO KUMAKAIN? NAG-ALALA DAHIL BAWAL ANG KINAKAIN KO? IKAW `YUNG PETTY SA ATING DALAWA EH! IKAW ANG NAGKULANG!*/

Ang saya mo siguro ngayon, no? Ang dami mong mga kaibigan na *ehem* nagmamahal sa `yo. Dumami pa ang mga kaibigan mo... Ang tanong, mga totoong tao ba sila? HAHAHAHAHA! MARUNONG BANG MAKISAMA? Oo, marunong sila... Marunong silang makisama by the means of pakikipag-plastikan. For just a short span of time, nagaya ka na rin sa kanila. I never expected this. Akala ko, pwede pang maging friends tayo eh. Kaya lang, wala. Sinira mo tiwala ko.

Oo, nasaktan kita ng sobra physically and emotionally, pero natuto akong humingi ng tawad Sa Kanya. At nakalimutan mo na bang humingi rin ako ng tawad sa iyo? Eh kayo, natuto ba kayong ihingi ng tawad ang mga maling panghuhusga niyo sa akin? Kayo ng mga kaibigan mo ngayon?

Parang ikaw, hindi mo ako nasaktan... `Yung mga pangako mong hindi natupad... Umasa akong magbabago ka para sa akin at para na rin sa sarili mo dahil nangako ka... Pero anong nangyari, natapos na ang lahat, lumala ka pa... Akala mo hindi big deal sa akin `yon? Nangako ka! `Yon ang pagkakamali mo! (Actually, `yung iba mo pang pagkakamali, hindi ko pa nade-define. Ito pa lang.)

Na-define ko `yang hinanakit kong iyan noong nabasa ko `yung mga past letters niya. Ilang beses kong nabasa na nangako siyang magbabago? Ako, hindi ako nangako. I always start what I say with, "I'll try..." Eh siya... I promise to change and that promise is to be kept, not to be broken. LECHE.

Ewan ko. MAY ISA PA AKONG PROBLEMA EH. KAHIT GALIT KA SA AKIN AT KUNG ANU-ANO NA ANG SINASABI MO TUNGKOL SA AKIN TULAD DATI NOONG HINDI PA TAYO AT NAG-AAWAY PA TAYO, BAKIT PATULOY PA RIN AKONG NAGHO-HOLD ON SA PANGAKO MO KAHIT NAPAKO NA? BAKIT PATULOY PA RIN KITANG MINAMAHAL? ALAM KONG HINDI NA DAPAT, PERO, UMAASA PA RIN AKO NA TOTOO PA RING LAHAT NG NAKASULAT SA MGA LIHAM NA `YON. NA NAIIMPLUWENSIYAHAN KA LANG NG MGA BAGO AT DATI MO PANG MGA KAIBIGAN.

PERO ASAHAN MO, KUNG BABALIK KA MAN, SIGURO HINDI NA KITA MATATANGGAP ULI SA BUHAY KO. BINIGYAN NA KITA NG CHANCE. NILUNOK KO ANG PRIDE KO AT BINIGYAN KO ANG SARILI KO NG CHANCE. NASIRA MO NA ANG REPUTASYON MO SA PANINGIN KO.

PERO KAHIT GANOON, TAKOT AKO... TAKOT AKONG BAKA KUNG SAKALING BUMALIK KA NA, HINDI KA PA HUMIHINGI NG TAWAD, NAPATAWAD NA KITA... NAKU NNEKA! HUWAG MO NGA AKONG TIGILAN NA SIRAAN SI KARLO SA AKIN!

Ate Yvette, si Champoy, `yung teddy verrrr na may hawak na puso na lagi kong dala sa Batangas, bigay niya `yun. Binalik ko na once pero `eto, nandito pa rin. Nabasa ko rin `yung letter niya tungkol kay Champoy kanina...
I hope that you'd think of him as me... If you can't show something or do something to me, just do it to Champoy. Just think of him as me... You can hug and love him all you want...
Oo, sobrang mahal ko `yang si Champoy, kahit gusto ko na siyang saktan kanina, hindi ko magawa...

Basta, kayong lahat na mga taong hinuhusgahan ako, bahala kayo sa buhay niyo. May natitira pa naman akong mga kaibigang totoong tao at ang bago kong boyfriends, si Papa God at si BF NiƱo. :)

----------------------------------------
Bakit ganoon, nakagawa ka lang ng pagkakamali, demonyo na ang tingin sa `yo?

No comments: