Wednesday, January 10, 2007

Tanong.

Anong mas maganda? Mukhang kayo pero hindi talaga kayo o KAYO TALAGA pero parang hindi? Naaasar ako!

I want those things like before. I feel he doesn't love me as much as before. Kung ganun naman pala, parang what's the use na naging kami ulit. 'Yung mga nararamdaman ko, parang it's being selfish pero hindi... I want to put things right where it used to be. Parang dati. 'Yung mga nakasanayan ko nang ginagawa niya dati like out of the blue he'd call me then he'd mouth the words 'I love you...' Masakit kasi bakit sila pa ni (insert her name here), ginawa niya 'yun... Nakita ko pa nga eh. DAMN. 'Yung pumapasok kasi sa isip ko, when it comes to ME he doesn't have to do it anymore kasi alam ko naman. He doesn't want to do it for he doesn't want everyone to know that we're back together again. Bakit nung sila pa (actually nililigawan niya) ni (insert her name here) he'd bother to come to her seat and chat. HAHAHA. He used to do that to me pero nung last parts ng ex-relationship namin, wala nananana... Sabi nga ni Geela noon, parang wala siyang pakialam. Mabuti pa si Jeffrey, every other subject nasa tabi agad si Geela... :)) HAHA! Nakakainggit... Nagseselos ako sa lahat ng taong kinakausap niya, sa lahat ng gamit na hinahawakan niya at sa lahat ng bagay na natitingnan niya. Ang OA 'no? Sinanay niya kasi ako dati na parang sa akin lang umiikot 'yung mundo niya. Alam ko namang mali 'yun kaya lang, I miss it. Parang hindi na dapat mawala 'yun. Feeling ko kasi, hindi na niya ako ganun kamahal... Dagdag na rin sa conclusion kong 'yun 'yung fact na pinili niyang magmahal ng iba dati kahit ako parin 'yung mahal niya. HINDI AKO SECURED SA PAGMAMAHAL NIYA. FEELING KO ANYTIME, KUKUNIN NA NAMAN SIYA SA AKIN. Nakikita ko nga siya, hindi ko naman pwedeng lapitan tulad ng dati... May ibang tao/bagay na naman kasi siyang pinagkakaabalahan ngayon. At ayokong ma-miss niya 'yung chance na makasama sa good times 'yung mga kaibigan niya, kapag nagtatawanan sila or may mga napag-uusapan sila... Kasi that's what I missed before, when I chose him over my friends... In short, sa kanya rin lang umikot ang buhay ko kasi he deprived me of coming to my friends kasi hindi sila in good terms... Ayokong maranasan niya 'yung naranasan ko. Now, I'm keeping all of it to myself. Ayoko sabihin sa kanya... :(( Ayoko ring may masabi 'yung mga kaibigan niya... Kaya, kakayanin ko... Kahit hindi ko siya makasama, makausap... Kung hindi ko na kaya 'yung mga nararamdaman ko, may last output pa naman ako eh... Iiiyak ko na lang uli lahat...

For example, kung sabihin ko kaya sa kanya na layuan niya mga kaibigan niya, gagawin ba niya? Hindi naman eh. And in the first place, I don't want him to do that at hindi ko rin ire-request sa kanya 'yun. Mga kaibigan 'yun eh. :) Ayokong gawin sa kanya 'yung ginawa niya sa akin dati. :) Ayokong sa kanya na rin mismo manggaling na mas importante sa kanya 'yung mga kaibigan niya kaysa sa 'kin. Siyempre, kung sakaling papiliin ko siya, alam ko namang SILA 'yung pipiliin niya. (Hindi ko naman gagawin 'yun... I don't want to hurt myself.) Alam ko naman na ganun ang isasagot niya kaya hindi ko na dapat pang itanong. Alam ko ring hindi tama 'yun. Ako lang naman 'to, si girlfriend... Hindi kailangang pag-aksayahan ng panahon... Hindi kailangang samahan... Hindi kailangan ng company... Kasi palaging nakakaintindi... Alam mo 'yun, kailangan ko na lang siyang intindihin palagi sa lahat ng gusto niya... SIYET. Parang ako 'yung nakipagbalikan 'no? Parang ako naghabol sa lagay na 'to. :)) Natatawa tuloy ako...

Tapos, bakit nung sila, may load siya... Tapos nung kami at naging kami ulit, wala... Kasi nga, nakakaintindi ako... Wala siyang pambili ng load eh... Pero dati meron 'no, nung sila pa ni (insert her name here)? Siguro mas mahal niya talaga 'no? Kasi palagi namang okay sa akin... Ang bait ko kasi... Feeling ko, he's taking advantage. Wala kasi akong reklamo. Naaasar ako sa sarili ko. :))

(Sorry kung magulo, pero kung may makaka-gets nung mga sinabi ko, mag-comment naman kayo, I NEED HELP! Hindi ko lang kasi talaga ma-explain ng mabuti 'yung mga gusto kong mangyari kasi umiiyak ako ngayon habang ginagawa ko 'to at magulo ang utak ko!!!)

Hay, tinesti niya sa 'kin 'yung Pasan by Callalily... May line dun na 'Hindi ka na sa 'kin ay luluha pa...' Eh anong nangyayari sa akin ngayon? Eto, bumabaha na naman, parang sa EspaƱa kapag umuulan.

Manonood na nga lang ako ng Princess Hours sa Youtube. 'Yun lang naman lagi kong kasangga sa kalungkutan ngayon. :D 'Yun na lang ang nakapagpapasaya sa akin ngayon, kaya kung mabasa mo man ito, huwag kang magtaka if I'll choose Princess Hours than talking to you over the phone. Princess Hours pinapasaya ako eh, kinikilig pa ako kay Yul while wishing na ganun ka rin ka-sweet, eh ikaw???

No comments: