Thursday, January 4, 2007

Magbagong Buhay Na Tayo!

Alam ko, I have neglected my blog again for one month. Tinamad akong magpost last month dahil sa sari-saring nararamdaman. Para akong may karamdamang hindi na gagaling pa.

Dapat masaya na ako ngayon, 'di ba? Kaya lang, those memories of the break up and his whirlwind romance (Hindi lang whirlwind! I'll still look for the right word.) with another girl keep on haunting and hunting me. Hindi ako makatakbo dahil hindi ko naman kailangang takbuhan. Mayroon ng solusyon ang mga problema ko. Ang hindi ko lang magawa ay harapin ang mga ito. Ngunit dapat pa bang harapin kung may solusyon na nga? Naaasar ako! Bakit ba kasi kung kailan maayos na ang lahat, lagi ko na lang maaalala 'yung mga nangyaring 'yun.

Kapag nakaaalala or nakakakita ako ng nakapagpapaalala, naluluha ako. There was one time na umiyak talaga ako. Marami na rin akong napakawalang buntong hininga. Dinadaan ko na lang sa ganun tapos kaunting sabi ng "Waaaaaaaah. Bwiseeeeeeeeeet."

Example:
Multiply account ni Anna.
ME: May Multiply account ka?
ANNA: Meron...
ME: Ano? I-add kita...
ANNA: Hindi ko naman ginagamit 'yun. Gumawa lang ako ng account para ma-view ko 'yung pictures sa Multiply ni Karlo.
ME: Ah ganun ba?
ANNA: Tsaka, hindi mo rin magugustuhan 'yung username. Hahahaha!
Nasabi na niya sa akin 'yung username dati pero nakalimutan ko. Ang alam ko basta may Karlo, Kat or Katrina at 27. Nyahahaha. May search feature 'yung Multiply 'di ba? Nakita ko 'yung account! katkarlo27.multiply.com Nung nakita ko, napa-sigh na naman ako sabay sabi ng "Ayooooooooos ah." Literal 'yan ah. Ayoooooooooos talaga 'yung nasabi ko. Ang tanong, hindi ko ba talaga nagustuhan? Hmmmm. Ano ba 'yung reaction ko? Basta! Walang tatalo sa pag-aadd sa 'kin ng madaling araw ni ka.ka27 sa YM. Wahahahahaha! ' Yun talaga ang malupeeeeet!

Natatawa ako ngayon. Bakit? Doon sa mga binigay ni Karlo dati (letter, CD, .ppt file), or alin man doon. Nakita ko 'yung parang sleeve ng isang recordable CD. 'Yung may .ppt namin na gawa niya. Nung January 2 ko lang nakita na may nakasulat pala doon! Nagbreak na nga kami at lahat, ngayong Bagong Taon ko lang nakita? Tadhana nga naman, oo. Nakakatawa rin magbiro at maglaro.

Dati, si Lacey o Lacy? Ano ngang spelling Karlo? Dati noong hinanap ko siya sa drawer kung saan ko siya itinago, WALA SIYA RUN. Nataga pa 'yung daliri ko ng blade kakakalkal doon sa drawer. Naiyak ako hindi dahil sa sakit ng pagkakataga ko kundi dahil sa meaning na hatid ng pagkawala nito. Dati sabi ni Karlo, "Kapag nawala 'yan, hindi na kita mahal..." Kumusta naman 'yun 'di ba?

'Pag uwi ko galing Batangas noong Dec. 27, nang sumunod na araw nun, binuksan ko ang mahiwagang drawer at nakita kong nakausli ang pendant ni Lacey na hinanap ko noon. Talagang parang doon siya pumuwesto para makita ko. Ayos 'no? Ano sa tingin niyo ang meaning? ;)) Kagulat-gulat na pangyayari. Pero malay natin, baka hindi ako naghanap ng mabuti dati.

Wow. Nagbago yata pamamaraan ko ng pagta-type ngayon. Hindi na parang galit sa mundo. :)) Ganyan ba talaga ang nagagawa ng bagong pag-ibig? I mean, na-rebirth na pag-ibig?

Subukan mo lang, subukan mo lang talaga... Hindi ka na mabubuhay. (Asa namang makakapatay ako 'di ba? Mahal ko pa! :)) )

Bad memories. I know. He already said that he's sorry so what's the problem? Mahirap din kasi. Emotional pain. Mahirap mawala. Hay. Mas maraming fears kaysa dati pero mas malaki 'yung wills to fight and conquer! Sugoooooooood! Pero 'yung utak ko, napapaatras minsan. :) Takot na kasing madamay. Kasi pag sumakit si Heart noon, sasakit naman si Brain... Chain reaction. Mamaya iiyak na 'yung mga mata at mahihirapang huminga at kumilos.

Wah. Sayang... Hindi kita nakita ngayon... :(

No comments: